Nakaka awa nga ang kalagayan niya ngayon dahil sentro siya ng paghuhusga at panglalait pero paano naman ang mga Pilipinong lagmak sa kahirapan at ni walang kinakain sa hapagkainan. Mas naaawa pa nga ako sa mga pamilya na kung saan isang kain isang tuka. Wala akong paki alam kung nanalo si Nancy dahil hindi ko naman siya binoto at para sa akin hindi siya karapat dapat sa senado. Oo, sinasabi nila na give her a chance. Pero para sa akin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kailangan pa ba tayong mag eksperimento at magbigay basta basta ng “CHANCE”? Guys! nasa maselang sitwasyon ang bansa natin ngayon.! Dapat siguradong sigurado tayo sa mga pipiliin nating umupo sa gobyerno! Hindi yun “baka baka” na yan!
Ang senado hindi basta basta internship na inaaplayan…isa itong institusyon na kung saan nakasalalay sa mga kamay ng mga senador ang buhay at kapalaran ng mamayang Pilipino…
Kahit papaano, ano man ang resulta ng eleksyon. Huwag sana tayong maging APATHETIC.. Ipagpatuloy pa din natin ang laban para sa bagbangon ng ating INANG BAYAN!
Sa halip na atupain niyo ang pagtatanggol o panglalait kay NANCY eh gawin na lang natin ang parte natin…we can do it guys! :))
Philippe Cossette | http://philk7.com
Art Director based in Montreal, Quebec, Canada. Focused on graphic design, branding, art direction and typography.


















